Sulat ni Nanay at Tatay

Just want to share this wonderful article wrote by Rev. Fr. Ariel F. Robles, a CWL Spiritual Director of St. Augustine Church in Baliuag, Bulacan. Everytime I read this article all over again, I can’t help not to cry. The message really goes straight to our hearts. Even a cold-hearted person will cry or will get teary-eyed if he or she would read this.

“Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho.

Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…”

~ by luckwatchero on December 30, 2007.

36 Responses to “Sulat ni Nanay at Tatay”

  1. Aztg!! Senglot p aq nun nrinig q to naiyak 2loi aq sa nanay q nun!! ^^,

  2. Joke lng!!

  3. hindi ko mkalimutan, pinalo ako ng tatay ko ng lagari, masakit ,,,pinanood lang nyang dumudugo ang binti ko.. pero noong ako’y makatapos ng vocational tumulong pa rin ako sa pamilya..noong mamamatay na sya sinabi ko..”sige ‘tay ako na ang bahala” pinagpatuloy ko ang misyon nya hanggang makatapos ang mga anak nya… 37 years old na ako nakapag-asawa.

  4. well i can relate to d letter, i have seen kun panu sagutin nan foster mother ko ang lola ko, nd until now it breaks my heart pag na aalala ko, ako kasi nag alaga sa lola ko until sya mamatay, 2 d point na pinalayas kami ng nanay sa bahay, na pinundar ni lolo at lola, nagpagawa kami ni lola ng sarilin haws, ewan ko di ko sila maintindihan kung bakit ganun nila tratuhin si inang, kung murahin ni ating, kung sigawan ni ditse, kung laitin ng mga manugang nya, to the point na ina anghangan ng asawa ni nanay yung pagkain para d kami makakain ni inang, kaya nung ma comatose si inang sa ICU at nag cardiac arrest, d ko na pina resicitate kasi alam ko mas magiging masaya sya sa piling ni tatang, ang lalakas ng iyak nila lahat, ang mahal ng kabaong (metal casket) lahat pakitang tao, sa luob luob ko di na yan mararamdaman ni inang, malamig at matigas na syang bangkay……..
    tapos muling naulit kay nanay,si kuya, ganun na lang nya sagotsagutin si nanay, kahit alam nya na ampon lang sya, d man lang nya pinakitang mahal nya si nanay, nagka kanser si nanay at walang wala kaming pera, nangutang kami sa kapatid nyang mayaman na tinulungan nyang makapunta ng amerika, kinuha agad ang titulo ng lupa nya, ako naman nag private nurse para may pang chemo si nanay, nagbu bus sila ni kuya pa maynila para magpagamot, ako naman nag de day off para ma alagaan ko si nanay sa side effect ng chemo, awang awa ako kay nanay, nakakalbo, nanghihina, d namin kaya sya ipa stay sa hospitl dahil sakto sakto lang naman sweldo ko, nung unu mamatay ang asawa ng nanay lalo kami nabaon sa utang, 80,000 ang serbisyo at sa private expensive hospital namatay ang asawa nya, muli kaming nangutang sa kapatin nya muli hinatak na naman ang isang titulo nang lupa, hanggang sa tuluyan nang kumalat ang kanser sa baga ni nanay at di na sya makakain, at makahinga, umuwi nako sa probinsya para sya naman ang ma alagaan ko, ang masakit sakin, namatay ang nanay ko sa district hospital, at gusto pa ng mga kapatid nya na pahirapan ang katawan ni nanay at ilipat sa pinakamahal na hospitl para abutan ng kapatid nya sa amerika, sbi ko wag na, d na yun malalaman at mararamdaman ni nanay, katawan na lang nya ang mahihirapan…..
    ngayun nakilala ko na ang tunay kong ina after 30 years kami nagkawalay, nai intindihan ko na sya, at wala akong ibang gagawin kundi mahalin at intindihin sya, habang malakas at buhay pa sya…….
    pati sa walanghiya kong ama, paparamdam ko sa kanya ang pagmamahal pag wala na syang matahbuhang iba……
    salamat sa pagkakataon na mailabas ko ang sama ng loob ko, gumaan na ang dibdib ko, muli salamat……

  5. aww…..natouch ako sa letter..=( mnakakapagpalambot ng puso, malambot na nga..lumambot pa ng todo…hays! naalala ko nlng lola ko ngaun..siya nlng natitira samin..kahit sirang plaka siya,mejo nakakainis minsan, and my mom and my dad na walang sawang sumusuporta saken just to send me to school..pero hindi nila alam how much i want them to live long pa, how much i love them more than i love myself..awoo! naiiyak ako!..na ako naman magrerepay as simbolo ng aking pagmamahal sknla..=(

  6. narinig ko na ang kwentong ito sa prof ko. at hindi ko alam na Fr. Ariel Robles pla ang ugat ng lahat. Although tampered na ung narinig ko, maganda pa rin siya.

    http://myangstspace.blogs.friendster.com/my_angst_space/

    ill add u bukas. promise na ito.
    hapi new year. 😀

  7. Wow I just remember how the pains and grifs cause by my parents but it was just misunderstandings, I remember our retreat last Oct. 2007 which really healed me to deeply understand and love more and more my parents.
    Basically this is one of the best message I have receive or read before this year end, It just make our life significant through the years and for the years to come, giving importance to our parents, that a day will come we are the one who will be a paren-like to them”
    hindi ito pagbabayad ng utang sa kanila kundi ito and hiwaga ng pagmamahal ng anak sa kanilang mga magulang at gano’n din sa kanila”
    This will testify the fact that we need TO LIVE OUR LIFE TO THE FULLEST and one way for that is to LOVE AND LOVE OUR PARENTS, THE WAY WE LOVE OURSELVES AS GOD LOVES US!
    >>thank you for the person who make and share it.. God Bless! apparently you have shown to God the positive use of our Technology in our days, I hope many people will get inspire and imitate this one one of a kind good deed!

  8. kakatouch yung story…kahit paulit-uliting basahin…haysss..lahat ng tao makakarelate 😦

  9. ayun. na add na kita. 😀

  10. salamat! ehehe

  11. ganda ng mensahe nito…

  12. Tunay ngang ang ating mga magulang ang nagbigay halaga sa atin, nagpala at nagmahal na walang hinihinging kapalit. sa kanilang pagtanda hindi rin nila tayo inoobliga na sila ay ating pagsilbihan sa halip kapakanan pa rin natin ang palagi nilang iniisip. Maging ulyanin at makalimutin man sila ang pagmamahal nila sa atin ay mananatili. Bilang isang anak nararapat lamang natin silang pagsilbihan at tulungan, umihi man sila at dumumi sa higaan hindi natin sila dapat pandirihan. Sabi nga “kung ano ang ginawa natin sa ating mga magulang ay siya ring gagawin sa atin ng ating mga anak. Bilang isang magulang, dapat nating mahalin ang ating mga supling ng sa gayon mahalin din nila tayo at gabayan sa ating pagtanda.

  13. thank you ha

  14. ang ganda super nakakatouch…..

  15. nakaktouch>>>>>>>>>>>>

  16. hmm…kaiyak aman po…

  17. ang sakit sa dibdib… wala po akong maisip na anumang gawain upang masabi kong napagsilbihan ko na ang aking magulang sa kanilang “unconditional love” na ibinigay sa aming magkakapatid ang salitang “sapat” ay di ukol sa kanilang kadakilaan.

  18. TOTOO!

  19. I first heard this over the radio last December. Teary eyed ako at nakarelate ako ng sobra. I even tell my children to listen also because it leaves a good lesson and values to learn. Thank you Fr. Ariel, for a wondeerful article that awakens alot of emotions and reminded us to be a good children of God..

  20. last year ko pa to actually nabasa, it was just december of the previous year na naging sikat ang sulat na to. Thanks to Ted Failon who read this over DZMM.

  21. nakakatouch naman daw yan.. .but i learn how to appreciate the simple things that my parents did for me.. .and i think kapag tumungtong sila sa ganyang edad.. .im sure its time for me na mabayaran ko ang lahat ng kanilang sinakripisyo para sa kin.. .thank u.. .God bless.. .

  22. na touch aman aq parang aq yan eh!!!!!!!!!!!KAYA MAGBABAGO NA AQ

  23. SANA YUNG IBA MATAMAAN NMN KAU!!!!!!!!!!!!AQ NATAMAAN

  24. More power Fr. Ariel for your inspiring letter!

  25. ……….nang nabasa q 2 naging masmaganda ung tingin q sa mama at papa q masbinibigyan q cla ng time, saka ng effort salahat ng binibigay nila saakin kaya nagpapasalamat talaga ako kay God sobra sa kanila?????????////////

  26. beautiful. di ka pa rin nagbabago, sadiq!

  27. ngayon ko lang ito nabasa…at talagang na-touch ako…ang galing talaga ni Fr. Ariel…kakaiba talaga siya…naiiyak tuloy ako…may kakulitan kasi ako…naalala ko tuloy yung mga pangaral ng mama at papa ko…grabe…very touching talaga…because of this, i will strive more to study hard at makatapos with God’s grace kapag nakahanap ako ng good job,ako naman ang gaganti sa kabutihang loob nila..lalo kong na-appreciate ang paghihirap ng parents ko since my birth…until now na college na ako…huhuhu…I thank God for giving me my parents…wala silang kapantay…God bless…

  28. Sorry ma sa lahat ng mga kasalan ko sau, sana patawarin mo ako sorry talga, ngaun alam ko na gagawain ko,, thank you sa letter na i2 ,,

  29. well… dz msg. s veri touching,,, i love it hop guys u wil pass ds to evryone..

  30. i love ds msg.

  31. […] Sulat ni Nanay at Tatay […]

  32. SAGOT NG ANAK SA SULAT NI TATAY AT NANAY

    Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan.

    …”Habang ako’y bata, unawain n’yo sana ako at pagpasensiyahan.”…

    Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.

    …”Kapag dala ng aking kamusmusan ay makabasag ako ng pinggan o makatapon ng sabaw sa hapag kainan, Huwag n’yo naman sana akong murahin, pilipitin ang tenga at bulyawan. “….

    Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

    …”May damdamin din po ang isang bata. Nasisira ang tiwala at respeto ko sa sarili tuwing sisigawan ninyo ako. “….

    Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang.

    …”Kapag hindi ko kayo kaagad narinig at hindi ko naintindihan ang sinasabi n’yo, huwag n’yo naman sana akong sabihan ng “ matigas ang ulo, tarantado , gago at bobo!” pakiulit na lang po ng malumanay o kaya’y ipaliwanag n’yo sa akin ang gusto n’yong gawin ko.”…

    Pasensya ka na, anak, matanda na talaga ako.

    ..”Pasensiya na po kayo , ‘tay at ‘ nay, bata pa lang po talaga ako. Marami pa akong di alam at di maintindihan sa mundo.”…

    Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iy o noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

    ..”Kapag nanghihina ang loob ko, pagtiyagaan n’yo sana akong tuluyang makatayo sa sariling paa. Alalayan n’yo po ako sa aking paghakbang at huwag n’yo po akong ikumpara sa inyo nung bata pa kayo. Iba na po ang panahon ko ngayon at marami po akong kinakaharap na bagong sitwasyon na maaaring wala nung panahon ninyo.”….

    Pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.

    ..”Pagpasensiyahan nyo na lang po ang aking kakulitan at paulit-ulit na parang cd na nagasgasan. Basta pakinggan nyo na lang po ako.”…

    Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan.

    ..”Huwag nyo po sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan at pagsabihang ” narinig ko na yan. Papunta ka pa lang, pabalik na kami.””….

    Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit- ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

    ..”Natatandaan nyo pa ba nung bata rin kayo, baka po mas makulit pa kayo kesa saakin. Siguro po pinagtiyagaan rin ng mga lolo at lola ang kakulitan nyo. Kaya po pag nangungulit ako, huwag nyo naman akong bulyawan ng ” tumahimik ka dyan kundi makikita mo!””…

    Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

    ..” Pagpasensiyahan n’yo na po kung amoy araw at pawis ako. Masarap po kasi ang maglaro at sige po, maliligo na lang po ako.Ganyan po kasi ang bata, maraming enerhiya sa katawan at masyadong aktibo ang isipan. Pakiusapan n’yo na lang po ako at sana’y wag sigawan ng ” Ang baho baho mo na, maligo ka ngang bata ka!””….

    Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

    …”Siguro po nung bata pa kayo, pinipilit rin kayong paliguin ng mga lolo at lola dahil nanlimahid din kayo.”…

    Pagpasensyahan mo sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

    ….”Huwag naman po sana kayong madalas magsungit. Mas maganda po yung tumatandang masaya. Sana po, kahit matanda na kayo, huwag niyong kalilimutan ang sigla ng kabataan n’yo. Ayoko pong tumandang gaya n’yo kung lagi kayong masungit. “…

    Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

    …”Kapag po may kaunti kayong panahon, magkuwnetuhan naman po tayo. Huwag lang po puro trabaho. Nakakasawa na rin po kasing mga barkada ko lang ang interesadong makinig kung ano ang nangyayari sa buhay ko.”…

    Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

    …”Alam ko pong busy kayo sa trabaho para buhayin ako, pero nais ko pong malaman niyo na gusto ko pong madama na interesado kayo sa mga kuwento ko.”…

    Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

    …” Narinig ko po minsan na yung anak ng kapit bahay natin, si Teddy, nalulong po sa droga dahil wala pong oras ang kanyang magulang na kumustahin man lang siya.”…

    At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan.

    …”Kapag ako po ay nagkasakit, haplusin niyo naman po ako at wag lang iiwanan kay Yaya at painumin ng gamot. Mas madali daw po kasing makapagpagaling ang haplos ng pagmamahal ng magulang.”….

    Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana
    akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

    …” Pagpasensiyahan n’yo na po kung minsan ay maihi o madumi ako sa aking salawal. Huwag n’yo po sana akong papaluin. Tutal po pag malaki na ako, mahihiya na rin po ako. Bata pa lang po kasi ako e.”…

    Akda ni Fr. Den
    Youth Minister

  33. huhuhu. . . . . . .
    kng wala kming DOCUMENTARY VIEWING kanina sa English period, hnd q ito nabasa!!!
    subrang ka touch naman nitO!!! hemppp!! halus lahat kng clasm8 ay Umiyak @ na luha!!! I love so much my GRANDPARENTS than my Parents!!! ejejejej sa kanla kac aq lumaki hangang ngaun!!!

  34. …Ginamit namin tong line na to sa performance namin…pati teacher namin naiyak…… talagang nakakatouch sya…super ganda!…

  35. i love it!
    i love you mom!

Leave a comment